Cyvil Colter and the Forbidden Spell - KABANATA 22: SAKSI (2025)

 

Cyvil pov's

“Wala naba ibang parusa delikado kami diyan e” pag alma ni Zairus, natatakot ata siya e kasama naman namin si Mr. Rigor

“Natatakot kaba Mr. Zyqual?” Nakangising saad ni Hershey rito

“Hin—di an—o ka—hit mag damag pa tayo di—yan” utal na saas ni Zairus sabay sunod sunod napalunok nang laway, natatakot nga

“Mahahati sa tatlong grupo ang unang mag kakasama ay si Hion Hershey and Ralph , ang pangalawang grupo naman ay si Iver, Zairus and Cyvil at ang pangatlong grupo ay Si Rigor” saad nang taga bantay nang braso, agad naman kumontra si Hershey

“Pare parehas kaming mamatay diyan sa loob niyan kung hindi namin kasama si Mr. Rigor” nag dadabog na saad ni Hershey

“Ms. Roquesty maari ka namang hindi sumama pero paalisin kana sa paaralan, mamili ka.” Saad nang bantay, napaka praktikal naman nito hindi man lang maawa

“Eh pano po pag may panganib?, maari po ba kaming gumamit nang mahika?” Magalang na saad ko rito ngunit sinamaan lang ako nang tingin nito

“Malamang kaya nga kayong may dala na Wand diba?, mag simula na kayo, Mag hiwa hiwalay.” Saad nito nauna naman pumasok si Mr. Rigor sa gitnang daan nang gubat, sila Hion naman ay sa kanan at kami ay sa kaliwa parte nang gubat.

—————————————

“Ilan na nakukuha niyo?” Tanong ko kila ay Iver, nakakatatlo na kasi si Iver si Zairus dalawa, habang ako ay nanatiling isa

“Mag hanap ka nalang diyan puro ka tanong,” Sigaw na saad ni Zairus habang salubong ang kilay, inangatan ko naman siya nang kilay, sino siya para sigawan ako?

“Oh bakit papalag ka?” Mayabang na saad nito habang maangas na nag lakad pa palapit sakin.

“Hoy kayong dalawa imbles na mag hanap nag aaway pa kayo” inis na saad ni Iver habang patuloy parin nag hahanap nang halaman gamot.

“Pag sabihan mo yang kaibigan mo” maangas na saad ni Zairus at pati si Iver ay binunggo, isip bata.

“Tss, bata” pabulong na saad ko tiyaka nag patuloy sa pag hahanap nang halaman.

Patuloy parin ako sa pag hahanap nang may naaninagan akong tao sa may bandang gilid nang gubat

“Iver, may tao oh” saad ko kay Iver. Tiyaka tinuro ang nakikita ko

“asan?” Saad ni Iver. Sinisipat pa namin ang lalaki nang bigla tong sigawan ni Zairus, bida bida talaga.

“HOY SINOO KA!!” Sigaw ni Zairus. Agad naman tumakbo ang lalaki kaya hinabol namin ito

“Bilisa— ano to?” Gulat na saad ko nang may matapakan ako,

“ beast” naging saad lang ni Iver habang tinatapik pa nito ang duguan na Halimaw.

“Wala na siyang buhay.” Malungkot na saad ko, habang tinakpan ang mata niyang nakadilat

“Sino ang may gawa nito?” Nangingnig na saad ni Zairus

“Ahhh” rinig namin sigaw nang isang babae, si Hershey yon.

Natatakot man ay sabay kaming tumakbo ni Iver at hinanap ang pinangagalingan, at nakita namin si Hershey na kaupo na lang sa sulok habang tinutulungan ni Hion at Ralph

“Hershey” sabay na sigaw namin ni Iver, at pumunta sa puwesto nila

“Anong nangyari rito?” Saad ni Mr. Rigor na halos kararating lang

“May lalaki pong dumaan samin, nakakatakot ang mukha niya” nanginginig na saad ni Hershey habang tumatayo.

“Kami rin po kanina may nakita po kami” saad ko habang pahina nang pahina ang boses ko.

“Hoy mga duwag kayo, bak— anong meron?” Hingal na hingal na saad ni Zairus

“Mag madali kayo at mabuti pang sabay-sabay na tayong lumabas.” nag mamadaling saad ni Mr. Rigor at nanguna sa pag lalakad, nag sinuran naman kami sa kanya

“Ilan na nakukuha niyong halaman?” Nakangiting saad ni Hion, agad naman tinaas ni Ralph ang dala niyang mga halaman, bakit ang dami nilang nakuha?

“Kay Iver lima, sakin Pito , kay Cyvil isa” mayabang na saad ni Zairus, bat niya pinalagan. nakita ko namang umirap si Hershey,

“Kay Hershey 20, kay Ralph 35, sakin ay 50” nakangising saad ni Hion

“Hindi totoo yan” pag palag ni Hershey, agad naman siyang pinasukan ni Hershey nang halamang gamot sa bibig

“Manahimik ka para kang aso, tahol nang tahol” galit na saad ni Hershey at nanguna sa pag lalakad

“Hoy bumalik ka rito” nag iinit na sa galit ang mukha ni Zairus ngunit agad siyang pinigilan ni Iver hinawakan diya sa kwelyo.

“Bitawan mo nga ako alipin.” Inis na saad ni Zairus kay Iver, halos lahat kami nagulat sa sinabi niya pero mas nagulat ako sa ginawa ni Hion, sinapak niya si Zairus at napaupo ito sa sahig

“Anong problema mo ahh” pag katayo na pag katayo ni Zairus ay agad niyang inambahan nang suntok si Hion, ngunit nanginginig siya ss tinig nito, miski ako biglang nag taasan ang balahibo ko, nag simula naring matakot sila Hershey

“Anong nangyayari dito?” Saad ni Mr. Rigor biglaan rin siya nalingon kay Hion siguro napansin niya.

“Hion kumalma ka kami ito” saad ni Mr. Rigor ngunit nanatili lang ang matatalim niyang titig kay Zairus.

“Hion,hion tama na.” Saad ko rito sabay ito niyakap, sumunod narin naman yumakap samin sila Iver,Ralph st Hershey.

“Anong nangyari?” Walang muang na saad ni Hion.

“Ano—hsmmmm” hindi na naituloy ni Zairus ang sasabihin niya nang biglang takpan ni Hershey ang bibig nito.

“Wala naman nangyayari e, diba Ralph?” Saad ko. Patago kong Siniko si Ralph senyales na sakyan niya ang mga sinasabi ko.

“Ahh tama, wala naman nangyari.” Saad ni Ralph, habang pilit na ngumingiti, halata siya.

“Teka Zairus bakit may dugo ka sa bibig?” Takang tanong ni Hion at akmang lalapitan si Zairus nang mabilis siyang pinigilan ni Iver st binuhat

“Wala lang yon,” nangingiting saad ni Iver at nilapag na si Hion medyo dumidtansiya sila sa aamin nang kaunti.

“Tara na at bumalik na sa paaralan, sapat na siguro ang mga nakuha niyong gamot.” Saad ni Mr. Rigor at nag patuloy kami sa pag labas sa gubat.

———————————————

“Nasan na ang mga nakuha niyong halaman?” Naka taas kilay na tanong nang headmistress, agad naman naming nilabas lahat halamang gamot na nakuha namin.

“Mahusay, sa susunod na umalis kayo nang gabi ay mas malala pa rito ang gagawin kong parusa sa inyo.” Seryosong saad ni Headmistress

“Bumalik na kayo sa mga inyong kwarto” Saad nito, agad naman kaming tumalikod anim nang mag salita ulit si Headmistress

“Cyvil maiwan ka.” Saad ni Headmistress, nag tataka kong lumapit sa kanya , ang mga kaibigan ko naman ay pinauna ko na

“Hindi nako mag papaligoy-ligoy pa nais kitang tanungin patungkol sa bagay na ito.” Saad ni Headmistress tiyaka naupo sa silya niya, malalim ang buntong hiningang ginawa niya bago siya ulit mag salita.

“Na sainyo bang mag kakaibigan ang book of Forbidden Spell?” may diin ang boses ni Headmistress dahilan para mapalunok ako nang laway ng sunod sunod

“O—po” nauutal na saad ko habang nanginginig, bakit ako nangininig, sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil nakakatakot ang paraan nang pag tigtig niya sakin.

“Ibalik niyo ang bagay na iyon, hindi niyo alam kung gano iyon kadelikado.” Tanging naging saad ni Headmistress at agaran din nag laho.

——————————

Yunox.

Cyvil Colter and the Forbidden Spell  - KABANATA 22: SAKSI (2025)
Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Lakeisha Bayer VM

Last Updated:

Views: 5403

Rating: 4.9 / 5 (49 voted)

Reviews: 88% of readers found this page helpful

Author information

Name: Lakeisha Bayer VM

Birthday: 1997-10-17

Address: Suite 835 34136 Adrian Mountains, Floydton, UT 81036

Phone: +3571527672278

Job: Manufacturing Agent

Hobby: Skimboarding, Photography, Roller skating, Knife making, Paintball, Embroidery, Gunsmithing

Introduction: My name is Lakeisha Bayer VM, I am a brainy, kind, enchanting, healthy, lovely, clean, witty person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.